12,177 barangays, drug cleared—PNP

MALAYO pa ang Pilipinas sa pagiging drug cleared na bansa. Ito ay dahil sa hindi pa nangangalahati ang bilang ng drug cleared barangays base na rin sa pinakahuling tala ng Philippine National Police.
Batay sa datos ng Pambansang Pulisya, sa 42,045 barangay sa bansa, 12,177 pa lang dito ang drug cleared. As of April 2019, nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming drug cleared barangay ang Region 1 na umabot sa 1,967.
Pumangalawa ang Region 8 na nakapagtala ng 1,919 drug cleared barangay at ikatlo ang Region 6 na mayroong 852.
Samantala, lumalabas na ang Regions 3, 5 at 7 ang mga rehiyon na pinakaapektado umano sa pagkalat ng iligal na droga.





Comments