top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

TULAK NANG-AGAW NG BARIL PATAY

Pabs Hernandez III
Jun 18, 2019
1 min read

QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at mang-agaw ng baril ng pulis, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Burdeos sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si Dante Tancinco, tubong Camarines Norte at residente ng Bgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Tancinco sa buy-bust operation, pero bigla umanong nanlaban at inagawan ng baril ng suspek ang isa sa mga pulis.

Kaagad namang nasunggaban ng isa pang pulis si Tancinco at habang nag-aagawan sila sa baril ay bigla itong pumutok at tinamaan ang suspek nadahilan ng kamatayan nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page