top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Team Duterte, mas pinaniniwalaan ang mga Chinese kesa mga kapwa Pilipino na nabangga na, tinakbuhan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2019
  • 2 min read

DUTERTE GOV’T.,MAS NANINIWALASA BERSIYON NGCHINA KAYSA SABERSIYON NG MGAMANGINGISDANGPINOY?—Inutusan niP-Duterte si Energy Sec. Alfonso Cusi na puntahan at kausapin ang mga apektadong mangingisda. Ang masaklap, hindi pala pagmamalasakit sa mga mangingisda ang pakay ni Sec. Cusi kundi tila ipamukha sa mga biktimang mangingisdana daplis lang ang tama ng kanilang bangka at mas pinaniniwalaan ng Duterte gov’t. ang bersiyon ng China na aksidente lang ang nangyari sa West Philippine Sea (WPS), tsktsk-tsk!

􀂉􀂉􀂉

KULANG NALANG SABIHIN NIPANELO NA SINUNGALINGANG MGAMANGINGISDANGPINOY—Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan pa raw ng gobyerno kung ano ang totoong nangyari sa WPS na kinasasangkutan ng Chinese militia vessel at bangkang pangisdang mga Pinoy. Kulang na lang sabihin ni Panelo na sinungaling ang mga mangingisdang Pinoy, na ayaw nilang paniwalaan ang pahayag ng mga ito na ginawan sila ng karahasan ng mga Chinese sa karagatang sakop ng Pilipinas, boom!

􀂉􀂉􀂉

TAMA SI VP LENI,DAPAT SA KORTENG PILIPINAS LITISINANG MGA CHINESENA GUMAWANG KARAHASAN SAMGA MANGINGISDANGPINOY—Ang suhestiyon ni VP Leni Robredo ay dapat daw sa korte ng Pilipinas litisin ang mga sangkot na Chinese sa pagbangga at pagpapalubog sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy. Tumpak! Sa teritoryong Pilipinas nangyari ang insidenteng ito kaya dapat korte ng Pilipinas ang lumitis at magpakulong sa mga Chinese na sangkot sa paggawa ng karahasan sa mga mangingisdang Pinoy, period!

􀂉􀂉􀂉

H I N D I PALA ALAM NI P-DUTERTE NA RAKET ANG JUETENG?— Sabi ni P-Duterte, kaya raw niya ipinag-utos na isara ang Kapa Ministry ni Pastor Joel Apolinario ay dahil nanraraket daw ito sa mga miyembro ng kanilang sekta at pagkaraan ay nagpahayag ang pangulo tungkol sa isyu ng jueteng na tila sinasabi pa sa mga Kapa member na kaysa magpa-scam daw kay Pastor Apolinario ay magjueteng na lang daw. Ganu’n? Pambihira, sa edad palang ‘yan ni P-Duterte ay hindi niya alam na raket din ang jueteng, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page