NEW ZEALAND NIYANIG NG MAGNITUDE 7.4
NIYANIG ng Magnitude 7.4 na lindol ang hilagang bahagi ng New Zealand, kamakalawa.
Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol malapit sa Kermadec Island sa hilagang silangang bahagi ng bansa.
Ang sentro ng pagyanig ay nasa 928 kilometro hilagang-silangan sa Lungsod ng Tauranga sa North Island at may lalim na 34 kilometro.
Unang naglabas ng abiso ang New Zealand civil defense orgnization sa posibleng banta ng tsunami ngunit, binawi rin ito agad.
Kasalukuyan pa ring binabantayan ang sitwasyon sa lugar.





Comments