Mga posibleng dahilan ng tinnitus, alamin!
- BULGAR

- Jun 18, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane, Napansin kong mayumuugong sa aking mgatainga, ang sabi ngnanay ko ay baka may tinnitusdaw ako dahilganito rin daw angnaranasan ng akingtiyahin noon. Maaari baninyong talakayin angtungkol sa tinnitus?Saan ba ito nakukuha atano ang dapat gawinkapag ganito angproblema?
— Ericka
Sagot Ang tinnitus ay ang malimit na pagkarinig ng mgaingay na tila galing sa ulo o mga tainga.
Maraming kaso nito ay hindi seryoso at mababaw na problemang agad naaayos.
Bagama’t, bihira ang tinnitus, posible itong maging representasyon ng seryosong kondisyon ng kalusugan.
Ito ay hindi limitado sa sakit, bagkus, ito ay sintomas ng napapailalim na kondisyon.
Ang pasyente aynakaririnig ng taginting, dagundong o mala sagitsit na tunog na parang nanggagaling sa loob ng tainga o ulo.
Ito ay maaaring magmula sa panlabas, gitna o looban ng tainga.
Maaari rin itong dulot ng abnormalidad sa utak.
Ilan sa mga tinnitus o ingay sa ulo ay normal.
Ang mga bagay tulad ng dumi sa tainga o tutuli at banyagang mga bagay sa labas ng tainga ay maaaring maging balakid sa mga tunog sa kapaligiran na nagiging sanhi upang maging sensitibo sa mga tunog sa ulo.
Maaari ring maging sanhi ng tinnitus ang pluido sa loob ng tainga o ang impeksiyon sa gitnang buto ng tainga o ear drum.
Isa sa mga karaniwang sanhi ng tinnitus ay ang pagkasira sa dulo ng maliliit na ugat sa loob ng tainga.
Karaniwang sa pagtanda nagsasabay ang pagdanas nito na maaaring magtuluy-tuloy sa palagiang pagkakaroon ng tinnitus.
Ang pagiging lantad sa mga malalakas na ingay ay karaniwang sanhi ng tinnitus na maaaring makasira sa pandinig tulad ng sobrang ingay, putok ng baril at malakas na musika.
Sa karamihan ng kaso, ang tinnitus ay walang tiyak na lunas.
Maaari itong mawala nang kusa o maging permanenteng kapansanan ng pasyente.
May mga espesyalista sa tainga na nagrerekomenda ng niacin upang bigyang lunas ang tinnitus.
Gayunman, wala itong siyentipikong ebidensiya at maaari pang magdulot ng skin flushing.
Samantala, napagalaman na ang mataas na doses ng gamot nag abapentin ay nakababawas ng iritasyon ng tinnitus sa ibang pasyente ngunit, hindinito nababawasan ang lakas ng ingay.
May mga madali at karaniwang lunas upang matulungan ang mga pasyenteng may tinnitus: May mga pasyente ng tinnitus na natuklasan na mayroong mababang zinc level at maaaring makabuti ang pag-inom ng zinc supplements.
May pag-aaral naipinakitang ang melatonin ay maaaring makatulong sa mga pasyenteng mayroong tinnitus, lalo na ‘yung mga nahihirapang matulog dahild ito.
Ngunit, ang sinabing pag-aaral ay hindi panapatunayan sa kontroladong pag-aaral.
Ang ginkgo biloba ay sinasabing natural na nagbibigay-ginhawa sa tinnitus ngunit, hindi panapatunayan sa kontroladong pag-aaral kung epektibo ito o hindi.
May mga behavioral at cognitive therapy na matagumpay sa pagbigay-lunas sa tinnitus.
May mga pagamutang mayroong tinnitus retraining therapy, masking at behavioral therapy.




Comments