MANILA AT MAKATI, START NA ANG MPBL CAMPAIGN

SISIMULAN ng title contenders Manila at Makati ang kanilang MPBL Season 3 campaign kontra kani-kanilang kasagupa ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Susubukin ng Stars Frontrow ang mga batang Quezon City Capitals-Wemsap sa unang laro ng 7 p.m. makaraan ang main game sa pagitan ng Super Crunch ng Makati kontra host team Rizal Golden Coolers sa main game ng 9 p.m.
Natalo ang Manila sa eventual champion San Juan Knights noong 2018 northern division finals at detrminado na makabalik sa Season 3.
Babanat kontra Quezon City squad na pinangungunahan nina key players at MPBL All-Star Jay Collado, Hesed Gabo, Andoy Estrella, Alwyn Alday at iba pa. Pero, may bitbit ang Q.C. na bagong talents sa pamumuno ni Aaron Black, anak ni PBA great Norman Black na huling naglaro sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.
Ang iba pang dagdag sa Capitals ay sina Dharell Caranguian, dating MVP sa NCRAA at dating Blue Eagles Tonino Gonzaga.
May dagdag din ang Makati pero, ang bagong recruits ay pawang dekalidad na players.
Dagdag tikas si Ex-pro Juneric Baloria habang si dating Meralco Bolts reserve Simon Atkins ang lilider.
Kasama rin si datingLa Salle standout Kib Montalbo sa roster ng squad na ikocoachsa second straight season ni Cholo Villanueva.
Ang Super Crunch ay hahawakan ni dating Ginebra star at ex-MPBL analyst Jayvee Gayoso.
Laro Ngayon: (Ynares Center, Antipolo)7 p.m. – Quezon City vs Manila;9 p.m. – Makati vs Rizal





Comments