Make sure na susundin ninyo ito para makaiwas kayo sa iba’t ibang klase ng sakit… MGA PAGKAING DAPAT
- Ms. RONA
- Jun 18, 2019
- 3 min read

PAGKAGISING sa umaga, napakasarap uminom ngmainit at mabangong kape. Nakawawala ito ng antok at nakapagbibigay ng energy sa katawan. Masarap ding kumain ng iba’t ibang prutas at gulay, pero, ayon sa mga pagsasaliksik na ginawa ng The American College of Cardiology, Heart Association and Obesity Society noong 2013, ang masusustansiyang pagkaing tulad ng prutas at gulay ay maaari ring makasama dahil sa maling paraan ng pagkonsumo o pagkain dito. Ayon sa kanila, mayroong mga pagkaing dapat at hindi dapat kainin nang empty ang ating sikmura:
1. YOGURT ANG OTHER MILK PRODUCTS. Kapag kumain ng yogurt nang walang laman ang sikmura, mamumuo sa sikmura ang hydrochloricacid na taglay nito at pinapatay nito ang mga lactic acid bacteria o ang mga good bacteria sa ating sikmura.
2. PEARS O PERAS. Sagana sa fiber ang peras at kung kakainin natin ito nang walang laman ang sikmura, maaari nitong masira ang mucous membrane.
3. TOMATOES. Maaaring magdulot ng gastric ulcer ang pagkain ng kamatis nang walang laman ang sikmura dahil mayroon itong mataas na level ng tannic acid na nakapagpapataas ng acidity nito.
4. CUCUMBERS AND OTHER GREEN VEGETABLES. Ang mga hilaw na gulay ay sagana sa aminoacids. Ngunit, sey ng experts, maaari itong magdulot ng heartburn, kabag at abdominal pain kung kakainin nang walang laman ang sikmura.
5. SPICES. Ang maaanghang na pagkain ay nakasisira at nakapagdudulot ng irritation sa gastric mucosa, ito ay mucous membrane ng sikmura na nakapagpapataas ng produksiyon ng acid sa sikmura. Ito rin ay kadalasang dahilan ng iba’t ibang sakit sa panunaw.
6. BANANA. Sadyang masustansiya ang saging dahil sa mataas na potassium, fiber at magnesium content nito, ngunit, kasabay nito ay mayroon din itong sugar at acid level kaya maaari itong makasama sa puso kung kakainin nang walang laman ang sikmura, pero mainam na kumain ng saging sa umaga kung sasabayan ito ng iba pang wastong pagkain.
7. COLD CARBONATED DRINKS. Bukod sa pagkasira ng mucous membrane, ito rin ang dahilan sa pagkaunti ng suplay ng dugo sa sikmura kaya nahihirapang mag-function ang sikmura sa pagtunaw ng mga pagkain.
8. CITRUS FRUITS. Ang pagkain ng maaasim na prutas ay kadalasang ipinagbabawal ng mga doktor sa mga taong diabetic at maging sa mga mayroong sensitibong sikmura. Ang mga prutas tulad ng orange, lemon at grapes ay maaaring makapagdulot ng heartburn, gastritis, gastric ulcer at iba pang gastric problem.
9. TEA AND COFFEE. Nakapagpapataas ng acid level ang pag-inom ng kape o tsaa kaya puwede itong magdulot ng heartburn at kahirapan sa pagdumi kung iinumin ito nang walang laman ang sikmura.
10. ALCOHOL. Dahil walang laman ang sikmura, ang alcohol ay direktang dadaloy sa daluyan ng dugo o bloodstream. Dahil dito, mabilis itong kakalat sa buong katawan at makararamdam ng pansamantalang init at pagbagal ng pulso ang indibidwal. Ito ay direktang dadaloy sa sikmura, atay, baga, kidneys at utak at ang nasabing mga organ ay maaaring masira.
Narito ang mga pagkaing mainamkainin habang wala pang laman angsikmura:
1. EGGS. Ang pagkain ng itlog tuwing umaga ay mainam kahit walang laman ang sikmura sapagkat ang mga nutrisyong taglay nito ay hindi nakaaapekto sa produksiyon o pagtaas ng acid level ng katawan.
2. WATERMELON. Sey ng experts, ito ay mainam na unang kainin dahil nakapagbibigay ito ng sapat na fluid sa sikmura. Ang taglay din nitong lycopene ay nakabubuti sa puso at mga mata.
3. ALMONDS. Ang almonds ay mayaman sa manganese, Vitamin E,protein, fibre, Omega-3 at 6. Ang pagkain nito tuwing umaga ay nakabubuti para sa digestive system. Ito rin ay nakapagpapababa ng pH level ng acid sa ating sikmura.
4. WARM WATER. Ipinapayo ng mga expert ang pag-inom ng warm water tuwing umaga bago kumain ng almusal dahil nakatutulong ito upang maging madali ang pagtunaw ng bituka at sikmura.
5. HONEY. Ang honey ay umaapaw sa minerals, vitamins, flavonoids at enzymes. Ang isang kutsara nito tuwing umaga bago kumain ng almusal ay maganda sa kalusugan dahil natatanggal nito ang mga toxin sa katawan. Ito rin ay nakatutulong upang maalis ang mga bad bacteria at virus sa ating katawan.
Now we know, mga ‘tol! May tamangoras para sa lahat ng mga bagay. Parang love, kapag ipinilit natin sa maling oras at panahon, masasaktan lang tayo, gayundin sa pagkain. Imbes na makaganda sa ating kalusugan,magdudulot lamang ito ng masamang resulta kung mali ang pamamaraan ng pagkonsumo. Copy?





Comments