LABORER TINODAS NG UTOL
CEBU—Isang laborer ang namatay nang barilin ng kanyang nakababatang kapatid, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Cordova sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Reynaldo Sitoy, 55-anyos, samantalang, ang suspek ay ang kapatid nitong si Eduardo, 42-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nagkaroon umano ng pagtatalo sina Reynaldo at Eduardo na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Reynaldo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong parricide si Eduardo.





Comments