top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Karapatan ng mga manggagawang Pilipino, ibigay na!

Ryan B. Sison
Jun 18, 2019
1 min read

WALANG katapusang problema sa trabaho, ‘yan ang pinagdaraanan ng ating kapwa manggagawang Pilipino dahil hanggang ngayon, ang “endo” na nagpapahirap sa lahat ay hindi pa rin natutuldukan.

Kaya nakiusap si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na panatilihin at sundin ang karapatan ng mga empleyado.

Kung saan sa pamamagitan nito, matitiyak ang pagkakaroon ng regular na trabaho ng mga manggagawa nang sa gayun ay makatulong sila sa pamahalaan na tuldukan ang iligal na kontraktuwalisasyon.

Sa totoo lang, may mga employer na inaabuso pa rin ang ‘probationary status’ ng partikular na empleyado kung saan matapos ang anim na buwan na pagiging probationary ay hindi na nila inire-renew ang mga kontrata ng mga ito, ang ending balik-tambay na naman ang ilan sa kanila, lalo na at hindi naman ganu’n kadaling matanggap sa mga kumpanya.

Gayunman, sa Security of Tenure (SOT) bill na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, umaasa ang lahat na mababawasan na ang bilang ng mga hindi mare-regular

kapag natapos na ang kanilang probationary period.

Samantala, nakatutuwa dahil patuloy na naninindigan ang karamihan para matuldukan ang “endo”, gayundin, dapat lang na bigyang-halaga ang problema sa trabaho dahil isa ito sa mga dahilan kaya naghihirap ang mga Pilipino!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page