top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

IOC, PINAGPULONG ANG POC PARA AYUSIN ANG SEA GAMES

  • MC
  • Jun 18, 2019
  • 2 min read

NAKAPULONG ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas ang kanyang board noong Linggo sa isang executive session kasunod ng atas ng InternationalOlympic Committee (IOC) para linawin ang ilang mga isyu mula sa mayoryang miyembrong local council.

Ipinatawag ang walo sa executive meeting ng 13 POC Board members sa Philsports compound sa Pasig City. Tinalakay niya ang apelsa Phisgoc Foundation, Inc., ang grupong nangangasiwa sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa Nob. 30 sa kabila nang kawalan ng POC Board approval.

Inaprubahan ng POC Board ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (o Phisgoc, hindi Phisgoc Foundation), na si dating Foreign Affairs Secretary at ngayo’y Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano ang chairman, kung saan sina Vargas at PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang co-vice chairmen.

Itinatag ni Vargas ang Phisgoc Foundation kasama sina Ramon Suzara, Donald Caringal, Tom Carrasco, Ed Picson, Dexter Estacio at Monica Ann Mitra.

Si Cayetano ay hindi ‘incorporator’ pero nananatiling chairman ng Foundation.

Ang orihinal na Phisgoc ay hindi na aktibo kaya ang paghahanda para sa SEAG ay ibinabato sa POC officials dahil maraming naililiban na bagay para sa biennial meet.

Ang patawag kay Vargas mula kay Jerome Polvey, ang IOC head ng national Olympic committee mula Lausanne, Switzerland ang aayos sa isyu.

Inatasan ni Polvey siVargas na pulungin angexecutive board at kanselahinnoong Linggo ang meeting na pinatawag niya sa 10th floor SM AuraPremier sa Taguig upang hingin ang suporta ni Cayetano para kumbinsihin ang POC membership na ipagpatuloy ang suporta sa paghahanda sa SEAG.

Niliwanag naman ni Archery association president Clint Aranas, na nagsalita para sa mayorya ng POC board, na ang general assembly ng konseho ay patuloy na susuporta saSEAG sa kabila ng mga aberya.

Nakapulong ni 30th SEAG Chief-of-Mission Ramirez ang kanyang tauhan noong nakaraang linggo upang pag-usapan ang ibang venues ng laro, pero ‘di pa tiyak ang Cayetano team kung handa na ang pasilidad sa pag-host ng mga event at limang buwan na lamang ay SEAG na.

Samantala, wala nang paki si dating POC President Jose “Peping” Cojuangco sa mga isyu at aniya, wala na siyang interes na kunin muli ang liderato ng konseho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page