GINEBRA, NAKA-1,000 PANALO NA VS. SMB

NAPAKA-ESPESYAL para sa Barangay Ginebra ang kanilang pinagsumikapang panalo kontra San Miguel Beer noong Linggo.
Ginapi ng Gin Kings ang Beermen, 110-107 sa overtime, na pigilan ang dalawang sunod na pagkatalo sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.
Ang panalo ay isa sa naitala sa kasaysayan ng kanilang libro, dahil ika-1,000 nila itong panalo sa prangkisa mula nang magsimula sa liga noong 1979.
“It’s special to be a part of a franchise like this, with the popularity it has and all the success,” saad na may ngiti ni Ginebra import Justin Brownlee.
“I think somebody was telling me that it was the second franchise to make a thousand (wins). (It’s) just special to be a part of, and still a lot more wins, hopefully, in the future,” dagdag niya.
Isang malaking instrumento si Brownlee sa paggabay sa Ginebra para sa panalo dahil sa nagawa niyang 39 points, 15 boards at 5 assists.
Ayon naman kay veteran point guard LA Tenorio, isa itong makahulugang laro para sa kanya at isa muling landmark achievement para sa prangkisa. “Maraming beses na akong naging part ng history dito sa Ginebra,” aniya. “I’m very thankful na naging part ulit ako ng ganoong milestone para sa franchise.”





Comments