top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Extradition bill suspendido | RALLY SA HONG KONG TULOY PA RIN

Jersey Sanchez
Jun 18, 2019
1 min read

HINDI kumbinsido ang mga mamamayan ng Hong Kong sa paghingi ng tawad ni HK Chief Executive Carrie Lam sa kabila ng desisyon nitong suspendihin ang pagpapatupad ng extradition bill sa bansa.

Dahil dito, muling kinalampag ng mga nagpoprotesta ang kalsada sa Hong Kong.

Nais ng mga nagpoprotesta na tuluyang iurong ang extradition bill, imbestigasyon sa mga awtoridad na gumamit ng dahas sa mga naunang naganap na protesta at tuluyang pagkansela sa official description ng kanilang pag-aalsa bilang illegal riot dahil magbibigay umano ito ng kakayahan sa mga awtoridad na ikulong sa mas mahabang panahon ang mga nahuli nilang kasamahan.

Patuloy na isinisigaw ng mamamayan na bumaba sa puwesto si Lam bilang chief executive ng bansa matapos kuwestiyunin ang kakayahan nito na mamuno sa bansa.

Inaasahang magkakaroon ng general strike ang ilan sa mga negosyo sa Hong Kong bilang pagsuporta sa bagong pabor na hinihingi ng kanilang mamamayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page