DUTCH CYCLIST, MATIBAY SA TOP PLACE NG LE TOUR

LEGAZPI CITY, Albay - Hindi natinag si Jeroen Meijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team sa pagkapit sa tuktok ng general classification matapos ang Stage 4 ng 10th Le Tourde Filipinas.
Nakalikom ang Dutch cyclist na si Meijers ng 17 oras, tatlong minuto at 19 segundo, sapat upang manatili sa kanya ang pagsuot ng Air 21 Purple Jersey sa paglarga ng final 138.1 km Stage 5 ngayong araw.
Nasa 10th place pa rin si Pinoy rider Marcelo Felipe ng 7 Eleven Cliqq-Air 21,dalawang minuto at 36 segundo ang lamang sa kanya ni Meijers.
Hindi na kayang habulin ni Felipe si Meijers pero puwede pa siyang umangat sa No. 8 puwesto.
Nagwagi sa Stage 5 si Jesse Coyle ng Team Nero Bianchi, inilista ang apat na oras, 28 minuto at 21 segundo sa 176 km race sa five stage Category 2.2 event cycling marathon na inorganisang Ube Media, Inc.,
Kasama sa top 10 riders na tumawid sa meta sina Aidan James Mendoza ng NEX Cycling Team, (No. 9) at Junrey Navarra ng Philippine National Team, (10).





Comments