DINUKOT NA MAGSASAKA, NATAGPUANG PATAY

HALOS hindi na makilala ng kaanak ang natagpuang bangkay ng lalaki na dinukot sampung araw na ang nakalipas sa Bgy. Kalubakis,Polilio, Quezon.
Pasado alas-6:00 ng gabinang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Merlin Oliva, 51, may asawa, residente sa naturang lugar, sa malawak na palayan.
Nakatali ang magkabilang kamay nito sa likuranng katawan kung saan basag pa ang kanyang bungo at posibleng ilang araw na siyang patay dahil sa pagkaka-agnas nito.
Bago naganap ang krimen, nawawala umano siya ng sampung araw at posibleng dinukot ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Inaalam pa ang motibo sa nasabing krimen maging ang responsable sa pagpatay dito.





Comments