top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BANGIS NI CAIDIC AT LIKSI NI ABARRIENTOS, IPINAMALAS ULI

MC
Jun 18, 2019
2 min read

DOBLENG espesyal ang Father’s Day celebration para kina Allan Caidic at Johnny Abarrientos dahil ang dating PBA MVP winners ay muling nagpakitang gilas nitong nakaraang weekend nang pangunahan ang San Miguel Beer at Alaska Milk para sa malaking panalo sa UNTV Cup PBA Legends Face off na idinaraos sa Pasig City Sports Center.

Naroon pa rin ang bangis ng mga kamay ni Caidic, nakagawa ng siyam ng tres nang mamuno sa Beermen para sa 135-107 win kontra Ginebra San Miguel Kings habang si Abarrientos ay maliksi pa rin sa na basket na 25 puntos para sa panalo ng Milkmen 92-70 kontra Purefoods Hotdogs.

Sa kanyang husay sa laro, may naiswak si Caidic na 32 puntos nang kumpletuhin ang three-game sweep ng eliminasyon sa event na inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon sa kooperasyon ng PBA Legends Foundation.

Solid all around show ang ipinamalas ni Caidic sa bisa ng 16 assists, 4 rebounds at steal.

May tatlong basket na magkasunod ang ikinatuwa ng fans. Maganda rin ang naging laro sa San Miguel nina Chris Calaguio at Nic Belasco na may pinagsamang 8 tres at may 17 at 13 puntos habang sina Kiko Adriano at Danny Seigle ay may 18 at 14 puntos.

Sa kabuuan, may 7 players ang umiskor ng dobleng pigura para sa Beermen kasama na ang 41 puntos ni VinceHizon.Humabol si Belasco para sa San Miguel sa bisa ng tres puntos sa unang quarter bago nag-init sina Caidic at Calaguio sa opening ng second quarter sa bisa ng tatlong tres.

Upang mawalis ang elims, hindi lang kailangang talunin ng Beermen ang Hotdogs ng isang beses para umabanse sa final, pareho rin para sa second-seeded na Milkmen laban sa Gin Kings.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page