Sekyu dinedbol ng armado
Pabs Hernandez III
Jun 17, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang security guard ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Mambaling sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Jay Fernando Cruz, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo si Cruz nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments