Pusher todas sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Jun 17, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, San Isidro sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ferdinan Rapanot, nakatira sa Bgy. Quezon District, Cabanatuan City.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Rapanot, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments