top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NBA STAR JAMES HARDEN DARATING ULI SA BANSA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2019
1 min read

MASISILAYAN na muli sa bansa ng kanyang fans sa ikatlong pagkakataon si National Basketball Association (NBA) superstar James Edward Harden Jr. Bibisita sa bansa ang NBA player Houston Rockets guard sa Hunyo 26 para sa isang promotional tour na isasagawa sa Pasay City. Unang pumasyal noong 2013 si Harden nang nasa edad 29 pa lamang siya.

Samantala, pinag-aagawan pa rin ng NBA teams si Kevin Durant kahit wala nang katiyakan ang kanyang pagbabalik.

Inaambisyon ng maraming NBA teams na makuha nila bilang player ang NBA superstar kahit marami na itong diperensiya sa paa. Tulad na lang ng pagtatamo niya ng injury sa Achilles nitong nakaraang NBA finals.

Sa katapusan ng Hunyo ay matatapos na ang kontrata ni Durant sa Warriors at usap-usapan na ang pagpasok niya sa free agency.

Kahit pa umano short- term lamang ang serbisyo ni Durant sa team ay kukunin pa rin daw ng ilang teams ito at hindi sila nag-aalinlangan na alukin ng kontrata na may tumataginting na bayaring dolyar.

Ang mga teams na interesado sa kanya ay ang Los Angeles Lakers, Clippers, New York Knicks, Brooklyn Nets at iba pa.

Kaya lamang ay sinisiguro ng management ng Warriors na hindi sa kanila maagaw ng ibang teams si Durant maging si Klay Thompson. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page