Nagwala sa selda | LALAKI, PATAY SA GULPI NG MGA KAKOSA
- Mylene Alfonso
- Jun 17, 2019
- 1 min read

TODAS ang 35-anyos na inmate makaraan umanong bugbugin sa loob ng selda ng mga kapwa inmate nang magwala kahapon ng umaga sa detention cell ng Manila Police District Station 4 sa Sampaloc, Manila.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc si Billy James Jardiel, may asawa, ng Sampaloc.
Habang hindi muna binanggit ang pangalan ng mga inmate na sangkot sa pambubugbog sa biktima.
Apat na inmates naman ang nagpahayag ng kahandang tumestigo sa naganap na insidente.
Batay sa imbestigasyon ni PSgt. Mark de Guzman, alas-6:00 ng umaga nang magwala si Jardiel.
Napilitan umano itong awatin ng kapwa inmates pero, naging marahas umano ang ikinilos ng biktima kaya binugbog ito ng mga kasama sa selda. Agad namang isinugod sa pagamutan nang mawalan ng malay ang biktima pero, namatay din alas-8:22 ng umaga.
Matatandaang, naaresto si Jardiel kasama ang isa pa sa panulukan ng Simoun at Algeciras Sts., Sampaloc nitong Biyernes dahil sa kasong may kinalaman sa droga.





Comments