Miss Universe, kaya bina-bash… SIGAW NG NETIZEN: CATRIONA, KRISTIYANO PERO TODO-SUPORTA SA MGA BADI

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PANG-BEAUTY queen ang naging sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga netizens na namba-bash sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsuporta sa LGBTQ.
Marami kasi ang pumuna sa post ni Catriona kung saan sinabi ng ilan na nagko-conflict ang pagiging Kristiyano niya sa pagsuporta niya sa mga bading at tibo.
Sey ng isang netizen, “What happened @catriona_gray about your testimony about your Christianity? Please do not compromise.”
“My belief as a Christian does not limit me from fighting for the rights of others. I love my God and love my fellow brothers and sisters. Religion is never an excuse to hate, put down or act indifferent to the suffering of others. I believe God is love, and I will treat everyone – no matter who they are, to the best of my ability, with love,” ang naging winning answer ni Catriona sa basher.
Pinuri ng mga netizens ang naging sagot ni Catriona dahil hindi raw nahahadlangan ng kanyang relihiyon ang pagiging compassionate niya sa kapwa.
Marami rin ang na-inspire sa naging comment ng beauty queen kaya dinagsa rin ng mga positive comments ang naturang Instagram post ni Catriona.
“She’s a real queen — beauty, brains with a pure heart,” ang papuri ng isang netizen kay Catriona.





Comments