top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MGA TENSIYON AT ISYU SA POC, BUBUSISIIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2019
  • 2 min read

SA kabila ng mga tensiyon mula sa mayorya ng Philippine Olympic Committee (POC) board members, sinabi kamakalawa ni POC president Ricky Vargas na may idaraos na crucial executive council meeting sa Hunyo 18 sa POC headquarters sa Philsports compound.

Sa isang statement na lumabas noong Sabado, sinabi ni Vargas na handa siyang makausap ang POC board members upang mabigyang linaw sa grupo ang iba’t ibang isyu na lumilitaw sa organisasyon at maging ang paghahanda ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games.Kaugnay nito, inatasan niya si POC secretary general Patrick Gregorio na kanselahin ang executive council meeting sa Hunyo 17 bilang reaksiyon sa June 18 meeting na unang ipinatawag ng Board.

Nais ni Vargas na si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman Alan Peter Cayetano ang mag-preside sa nakanselang meeting dahil mainit na ito sa mata ng mga miyembro ng sarili niyang board. Nakatakda sana ito sa SM Aura office ni Cayetano.

Walo sa may 13 POC executive council members ang nanawagan kay Vargas sa isang executive session sa Hunyo 18 upang linawin ang ilang bagay tungkol sa POC, kabilang na ang umano’y involvement niya sa Phisgoc Foundation, Inc. at sa diumano’y kuwestiyunableng transaksiyon sa isang apparel company.

Ang Phisgoc Foundation ay kakaiba sa Phisgoc na binuo upang hawakan ang 30th Sea Games. Ang orihinal na Phisgoc ay dapat na pamumunuan ni Cayetano at bilang chairman si Vargas (kakatawanin ang POC) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez bilang co-vice chairmen.

Pero, si Vargas at ang iba pang staff, kasama ang personnel ay inatasan ni Cayetano para sa SEA Games, habang pinangangasiwaan ang Phisgoc Foundation upang maging responsable sa pag-host sa SEA Games “at iba pang international events” na iho-host ng Pilipinas sa susunod na panahon. Pero nawala si Ramirez sa Phisgoc Foundation. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page