top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Konduktor, mekaniko, 3 pa tiklo sa shabu

Maeng Santos
Jun 17, 2019
1 min read

LIMANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang konduktor ng bus at mekaniko ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City.

Alas-9:50 ng Sabado ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. ang buy-bust operation sa Bgy. Gen. T de Leon kontra kina Cesario Tumaob, 42, at Larry Gonzaga, 38, ng Caloocan City.

Nang iabot na ng mga suspek ang sachet ng shabu kay PSSg. Juan Carlos Keh na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at sinunggaban sina Tumaob at Gonzaga, kasama si Raffy Legaspi, 24.

Ayon kay SDEU Investigator PCMS Restie Mables, narekober sa mga suspek ang tig-isang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Nauna rito, alas-4:15 ng hapon nang unang madakip ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna din ni P/Capt. Bulan si Jonas Palaca, 32, bus conductor ng Mandaluyong City at Riggie Lisay, 34, mekaniko, sa buy-bust operation sa Bgy. Paso de Blas.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu, P200 buy-bust money at P200 bill.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page