top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hazard pay at dagdag na benepisyo para sa mga traffic enforcer, inihihirit!

Ryan B. Sison
Jun 17, 2019
1 min read

LAHAT ng tao ay may kani-kanyang pangangailangan kaya kung nahihirapan, karapatan nilang dumaing sa mga kinauukulan.

Kaya naman nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gagawa sila ng hakbang upang mabigyan ng hazard pay at dagdag na benepisyo ang mga traffic enforcer.

Gayunman, ayon sa National Institute for Health, marami sa mga traffic enforcer ng MMDA ang nagkakasakit dahil sa mataas na led content sa kanilang dugo na nakukuha nila sa masamang polusyon na kanilang nalalanghap sa lansangan at iba pa.

Dagdag pa rito, ang pagkakaroon nila ng high blood pressure dahil sa matinding init ng sikat ng araw, gayundin, kapag may mga pasaway na motorista na imbes na sumunod, eh, nakikipagsagutan pa sa kanila.

Sa ngayon, karamihan sa mga traffic enforcer ay casual employees ng ahensiya, samantalang, ang iba naman ay job-order employees.

Kung saan tulad ng iba pang manggagawa, hindi na rin sumasapat ang kanilang sinasahod para sa mga gastusin ng kanilang pamilya.

Kaya hiling natin na mapagbigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang benepisyong nais makuha ng mga enforcer, partikular para sa kanilang kalusugan na nanganganib tuwing sila ay nasa daan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page