top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Digital platform na hatid ay mas pinabilis na transaksiyon sa SSS, alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2019
2 min read

Dear SSS, Magandang araw! Nalaman kong mayroon ang SSS na SSS Self-Service Express Terminal. Maaari ba ninyong talakayin ito? Maraming salamat! — Shiela ng San Jose del Monte City, Bulacan

Sagot Para sa inyong katanungan, ang SSS Self-Service Express Terminal o SSS-Ext ay kiosk na matatagpuan sa mga piling sangay ng SSS. Gamit ang SSS-Ext, maaaring ma-access ng miyembro ang kanilang SSS account. Kailangan lang i-scan ang kanyang SSS UMID card at fingerprint matching.

Sa pamamagitan ng SSS-Ext, maaaring mag-file ng maternity notification ang mga miyembrong babae, samantalang, maaaring i-update ng pensiyunado ang kanyang tirahan at contact information. Mabeberipika rin ng mga miyembro at pensiyunado ang kanilang records sa SSS gamit ang SSS-Ext tulad ng kanilang buwanang kontribusyon, status ng utang, impormasyon sa Unified Multi-purpose Identification Card, status ng benefit claim, employment history, Flexi-fund status at ibang detalye ng tungkol sa pagiging miyembro nila sa SSS. Maaaring i-print ang resibo ng kanilang ginawang transaksiyon sa SSS-Ext.

Sa kasalukuyan, mayroong 280 SSS-Ext units ang nakatalaga sa 272 sangay at 8 service offices ng SSS sa buong bansa.

Unti-unting lumilipat ang SSS sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro at pensiyunado. Dahil dito, pinagtutuunan ng pansin ng ahensiya ang pagpapalakas sa mga digital platform nito upang lalong mapabilis ang serbisyo nito.

Sa ngayon, inaayos na ng SSS ang digital infrastructure upang mas mapadali ang transaksiyon sa SSS. Sa hinaharap, magagamit na ang SSS-Ext sa pagpa-file ng loan application, pag-update ng contact information at pag-generate ng Payment Reference Number para sa pagbabayad ng kontribusyon.

Bukod sa SSS-Ext, maaaring mag-transact sa SSS gamit ang SSS Mobile App, My.SSS sa SSS website, Text-SSS at iba pa. Sinisikap ng SSS na magamit ang digital technology upang lalong mapagbuti ang serbisyo nito sa mga miyembro at pensiyunado.

Nawa’y nasagot namin ang iyong katanungan.

*** Nais nating ipaalam sa mga retiree pensioner na bukas ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pampinansiyal. Inaanyayahan din natin ang mga pensiyunado na nais mag-avail ng Pension Loan Program na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.

Para sa inyong mga katanungan at problema, sumulat sa BUTI NA LANG MAY SSS, at BULGAR BLDG, 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa "sss.bulgar@gmail.com". Puwede ring magdala ng personal ng mensahe sa ating Facebook page: https://www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page