PHL DRAGONBOAT GFG NAKA-2 GOLD SA CHINA


ISANG linggo matapos makakolekta ng dalawang gintong medalya sa malaking karera sa Singapore, muling nakapag-uwi ang Go-for-Gold Philippine Dragonboat Team ng dalawang gold medal mula sa isang highly competitive meet sa China.
Naghari ang Filipino paddlers mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation sa 500m at 250m small boat open category sa prestihiyosong 2019 Beijing International Dragonboat Tournament kung saan ang best under-23 teams sa China ay lumahok.
Naorasan ang Nationals ng 2 minutos at 30.85 segundo sa 500m kung saan nasukat ang kanilang galing laban sa Chinese squads Dubula (2:39.88) at Beijing Fuxing Dragon Warriors (2:41.12) makaraan na magwagi sa 200m (1:10.56) sa isang dominadong husay sa larangan ng sagwanan.
Kasunod ito ng dalawang panalo ng Go For Gold-backed paddlers sa nakaraang DBS Marina Regatta sa Singapore. Si Assistant team captain Ojay Fuentes, na nagdiwang ng ika-20 taon na kaarawan noong Huwebes ay suportado ng solidong crew nina Archie Baylosis, Kim Gabriel Baylosis, Daniel Ortega at Roberto Pantaleon.
Nakapag-ambag din ang seasoned paddler na si Norwell Cajes sa tagumpay kasama sina Leo Jane Remarim, Jonathan Ruz, John Paul Selencio, Jerome Solis, drummer John James Pelagio at helmsman Christian Burgos. “Resulta po ito ng lahat ng pagpupursige namin sa training. Gagawin po namin ang lahat para magtuloy-tuloy ito hanggang sa SEA Games,’’ sabi ni Fuentes. Ang national paddlers mula sa PCKDF, ang lehitmong grupo sa bansa ng naturang sport ay impresibo rin sa Singapore na naorasan ng 1:00.76 para sa gold sa10-seater premier women’s division 200m at dinuplika ang kanilang tagumpay sa 20-seater mixed category. “These victories will definitely help boost the confidence of our team going into the SEA Games,’’ ayon kay Go For Gold godfather Jeremy Go, na umayuda sa sport ng nakaraang taon.
Bukod sa Dragonboat, ang Go For Gold ay isa ring staunch supporter ng SEAG-bound national athletes ng skateboarding, wrestling, sepak takraw, cycling, triathlon at chess. (MC)





Comments