top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P-Digong, imbes na magalit sa ginawa ng Chinese sa mga Pinoy sa WPS, baka CHR pa ang banatan?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2019
  • 2 min read

LABAN-BAWI NG DND AT AFP SA CHINA — Noong Independence Day (June 12), binatikos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang China dahil sa pagbangga at pagpapalubog nito sa bangkang-pangisda na kinalulula­nan ng 22 Pinoy sa West Philippine Sea (WPS) at sa galit din ng AFP-Wes­tern Command (WesCom), sinabi ni­tong dapat nang paalisin ang lahat ng Chi­nese sa WPS.

Ito na ang siste, kinabukasan nang ipag-utos ni P-Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) na i-release na ang P54 bilyon pensi­yon ng mga taga-AFP ay nag-iba ang kani­lang tono, ayon kay Sec. Loren­zana, hindi raw sigurado kung Chi­nese militia vessel talaga ang nakabangga sa bangka ng mga Pinoy at sinabi naman ng AFP-WesCom na posibleng aksi­dente lang daw ang nangyari.

Hay naku, nang dahil sa P54 bil­yon pensiyon, ang dating palabang state­ment sa China, binawi agad, buwisit!

◘◘◘

IMBES NA CHINA, BAKA CHR ANG BATIKUSIN NI P-DUTERTE? — Nakiisa na rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa pambabati­kos sa ginawa ng China sa mga mangi­ngis­dang Pinoy sa WPS.

Dahil d’yan, baka ang inaabangan ng publiko na statement ni P-Duterte sa isyung ito ay magkaroon na ng ka­tuparan kaya lang, baka hindi Chi­na ang kanyang batikusin kundi ang ki­naiinisan niyang CHR, boom!

◘◘◘

P-DUTERTE, MAY ‘SUICIDE INSTINCT’— Noong Sept. 2018, sinabi ni P-Duterte na kapag naulit daw ang trahedyang tulad ng “Yolan­da” ay magbibigti raw siya at kama­kalawa ay sinabi ulit ng pangulo na nais niyang magbigti dahil sa rami raw ng problema ng bansa.

Ang taong madalas magbantang magbibigti, malamang ay may ‘sui­cide instinct’ kaya dapat palaging ban­­tayan ng kanyang pamilya si P-Du­terte kasi baka totohanin niya ang bantang pagbibigti, period!

◘◘◘

NGAYONG PANAHON KAYA NI MA­YOR ISKO, MATOTOKHANG NA SI “CA­ROL BAKULAW”? — Nga­yong July 1, 2019, pormal nang mau­upo sa pu­westo ang mga nanalo ni­tong nakalipas na halalan at kabilang d’yan si Manila Mayor Isko Moreno.

Kaya ang tanong, ngayong pana­hon kaya ni Mayor Isko Moreno ma-“tokhang” na ang nangongo­tong sa mga vendor sa C.M. Recto Ave­nue na si “Carol Bakulaw”? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page