Nagkakasakit sa grabeng polusyon, naha-high blood sa sobrang init | HIRIT NG MMDA: DAGDAG-SAHOD


NANGAKO ang pamunuan ng Manila Development Authority (MMDA) na gagawan nila ng paraan upang mabigyan ng hazard pay at dagdag na benepisyo ang kanilang mga traffic enforcer.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, personal niyang kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay nito.
Matatandaang, nauna nang sinabi ng grupo ni Emmanuel Baja ng National Institute for Health ng The University of the Philippines na marami sa mga traffic enforcer ang nagkakasakit.
Ito ay dahil umano sa mataas na led content sa kanilang mga dugo dulot ng grabeng polusyon. Marami rin umano ang dumaranas ng high blood pressure bukod pa sa panganib ng matagal na exposure sa init.
Samantala, karamihan umano sa kanilang mga traffic enforcer ay casual employees habang ang iba ay job order. (BRT)





Comments