top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kuya, utas sa utol

Jeff Tumbado
Jun 16, 2019
1 min read

PATAY ang 55-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang nakababatang kapatid sa Cordova, Cebu.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Eduardo Sitoy, 42, construction worker, sa pagpatay nito sa kanyang kuya na si Reynaldo, kapwa residente ng Sitio Atabay, Bgy. Poblacion.

Batay sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Reynato Inot, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng magkapatid nitong Biyernes ng umaga.

Sa kalagitnaan ng alitan, kapwa naghagilap sina Reynaldo at Eduardo ng mga armas na magagamit laban sa isa’t isa.

Kumuha ng kutsilyo ang biktima at kinompronta nito ang nakababatang kapatid subalit, hawak naman nito ang .357 revolver at agad ipinutok.

Dead-on-the-spot ang panganay na kapatid sanhi ng isang tama ng bala ng baril.

Sa kanyang pagsuko sa pulisya ay isinuko rin ng suspek ang baril na ginamit nito sa pagpatay sa kanyang kuya.

Hindi na ipinabatid sa ulat kung ano ang pinagmulan ng alitan ng magkapatid na Sitoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page