top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Galing bangko, inabangan | BARANGAY TREASURER IN-AMBUSH NG RIDING-IN-TANDEM

  • Madel Moratillo
  • Jun 16, 2019
  • 1 min read

SUGATAN ang treasurer ng barangay matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem matapos kumuha sa bangko ng perang pansuweldo para sa mga opisyal ng barangay sa Antipolo City nitong Biyernes. Kinilala ang biktima na si Belinda Manahan, treasurer ng Bgy. San Luis.

Alas-11:00 ng umaga nang maganap ang pananambang sa C. Lawis Extension kung saan bago ang krimen ay nagtungo ang biktima at kanyang driver na hindi na binanggit ang pangalan sa Landbank upang kunin ang pansuweldo para sa mga opisyal ng barangay sa kanilang lugar.

Sakay ng Toyota Revo na isyu ng barangay, binabagtas ni Manahan at ng driver ang naturang lugar upang bumalik sa barangay pero, inaabangan na pala sila ng mga hindi pa nakilalang suspek.

Nang malampasan nila ang mga ito ay agad silang sinundan at pinagbabaril, sanhi upang masugatan ang biktima. Masuwerte namang hindi tinamaan ang driver kaya pinaharurot ang behikulo upang makatakas at dinala ang biktima sa ospital, kung saan nasa maayos na itong kondisyon.

Hinala ng mga awtoridad na panghoholdap ang motibo ng pananambang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page