FELIPE, BEST PINOY SA LE TOUR STAGE 2


DUMATING na pang-limang cyclist si Filipino Marcelo Felipe sa opisyal na listahan ng mga nasa top 10 ng opisyal na Le Tour de Filipinas 10th edition base sa Stage 2 result kahapon mula sa tinahak na 194.9 kilometrong ruta mula sa Pagbilao, Quezon hanggang Daet, Camarines Norte.
Nauna sa stage classification ang apat na foreign riders na sina 1st - 64 VOGT Mario ng TSC, pumangalawa si 74 UCHIMA Kohei ng UKO, ikatlo si 81 GOH Choon Huat ng TSG habang tinanghal na U-Freigh Best Young Rider (red) si 14 Habtemichael Daniel ng 7RP.
Nalagay naman bilang SPL Best Filipino Rider (pink) si 11 FELIPE Marcelo ng 7RP habang naging Cargohaus Best Sprinter (orange) si 64 VOGT Mario ng TSC. Nasungkit ang NMM Best Climber (blue) ni 52 MEIJERS Jeroen ng TMC na unang naghari sa Stage 1 ng Tagaytay road loops.
Ayon kina national team coaches Reinhardt Gorrantes at Ednalyn Hualda, naniniwala sila na ang taon na ito ng Le Tour de Filipinas ay hindi lang pabor sa sprinters at climbers pero sa mga siklistang malalakas pareho sa naturang elevation.
Ang Stage 3 ngayong Linggo ay may habang 183.7 kilometro mula Daet hanggang Legazpi City.
“There are mountain passes in the race but let us not forget the middle stages which are almost all flat with a slightly reclining gradient,” ani Gorrantes, head coach ng national team na binubuo ng Pilippine Navy-Standard Insurance riders.
Sumang-ayon si Hualda at nagsabing ang Stage 1 at Stage 5 ang mas pahirapan para sa climbers, pero ang haba ng Stage 1, 2 at 3, ang taktikang pedalan ang dapat na umiral sa karera. “It would be a race of strategies,” ani Hualda. “Like a chess game, you have to ponder your moves to win.” (ATD)





Comments