Dagdag-presyo sa gas
Gina Plenago
Jun 16, 2019
1 min read

MATAPOS ang tatlong linggong magkakasunod na rollback, tataas naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.
Nasa P0.10 hanggang P0.20 naman ang imamahal ng diesel at P0.20 hanggang P0.30 sa kerosene.
Kaugnay umano ito ng pagtaas sa presyo ng imported na petrolyo sa world market.





Comments