top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Seaman nilikida ng gunman

Pabs Hernandez III
Jun 15, 2019
1 min read

CEBU—Isang seaman ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Bato, Toledo City sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Ronnie Obenza, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na papasok na si Obenza sa kanilang bahay nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page