top of page

Sanhi ng makating lalamunan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Madalas ay makati ang aking lalamunan at namamaga ito kaya nagmumumog ako ng maligamgam na tubig na may asin. Nawawala naman ito, pero may mga araw na bumabalik itong muli kahit wala akong ubo. Ano ang dapat gawin para hindi na ito kumati? — Shay

Sagot

Ano ang sanhi ng makating lalamunan?

  • sipon

  • laryngitis

  • kissing disease na kadalasang nakukuha sa pakikipaghalikan

  • pagkakaroon ng beke o ng trangkaso

  • tonsillitis

  • rabies

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga popular na sanhi ng makati o namamagang lalamunan. Ang mga impeksiyong dulot ng virus at bakterya ang pinakaugat ng pagkakaroon ng makati at namamagang lalamunan.

Ang pamamaga ng lalamunan na nagtatagal ng mahigit isang linggo ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:

  • Iritasyon ng lalamunan dahil sa sobrang init ng panahon

  • Sobrang paninigarilyo

  • Madalas na pagsigaw

  • Paghinga gamit ang bibig tuwing barado ang ilong

  • Pagkakaroon ng acid reflux

  • Sobrang pagkapagod

Ang gamot sa makati at namamagang lalamunan ay depende sa sanhi ng pamamaga. Kadalasang sanhi ng makating lalamunan ang impeksiyon na dulot ng virus, tandaan na ang pag-inom ng antibiotic na gamot ay hindi makatutulong upang mawala ang sakit. Ang hindi kinakailangang paggamit ng antibiotic ay maaaring magdulot ng allergy at matitinding side-effects tulad ng pagkahilo, pagsusuka, pagtatae at mga pantal sa balat.

Kung ang sanhi ng makating lalamunan ay bakterya tulad ng streptococcus, maaaring bumili ng gamot tulad ng Strepsils na hindi na nangangailangan ng reseta ng doktor. Ang Bactidol ay maaaring gamitin para labanan ang makati at namamagang lalamunan na dulot ng impeksiyon na sanhi ng bakterya. Ang namamagang lalamunan ay isa sa mga pangunahing sintomas ng rabies na dulot ng kagat ng aso. Kapag nakagat ng aso o pusa, magpunta agad sa clinic o sa ospital upang makita ito ng doktor.

Gayunman, ang makati at namamagang lalamunan ay imposibleng maiwasan subalit, ang regular na pagsesepilyo ng mga ngipin at pag-inom ng maraming tubig ay napatunayan nang mabisa upang makaiwas sa mga sakit na dala ng bakterya tulad ng makating lalamunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page