top of page
Pokwang.jpg

Sa love life o career man ‘yan, beshy! TIPS PARA MAKA-MOVE ON SA REJECTION

Justine Daguno
Jun 15, 2019
2 min read

LAHAT tayo ay nakaranas na ng ‘rejection’, anuman ang estado natin sa buhay. Isa ito sa mga sitwasyon na darating sa atin, gustuhin man natin ito o hindi. Baga­ma’t, mahirap ito kung iisipin, dapat maru­nong tayong mag-handle ng sitwas­yon.

Narito ang ilang tips para matutunan nating maka-get-over kaagad mula sa rejection:

1. SEE REJEC­TION AS AN EVIDENCE THAT YOU TRIED. ‘Ika nga nila, mas okay na ma-reject kaysa pagsisi­han mo ito dahil hindi mo ginawa. Tandaan, panalo pa rin ang taong sinu­bu­kan ang kanyang kaka­yahan kahit nabigo siya rito. Kaya kapag may gusto kang gawin, anu­man ang sabihin o isipin ng iba, huwag mo silang iintindihin, go lang!

2. DEAL WITH YOUR EMOTIONS. Tanggapin natin na na-reject tayo dahil sa totoo lang, normal lang masak­tan, mapahiya, manghina­yang, madismaya at ma­lungkot tayo. Gayunman, hindi ka dapat magpa­lunod sa mga emosyong ito dahil hindi natatapos ang buhay mo kapag ti­nanggihan o hindi mo nakuha ang iyong gusto. Sumubok ka na lang ulit, pero dapat sa susunod, hindi lang doble kundi triple ang effort na ibibigay mo, ganern!

3. STICK TO YOUR PASSIONS. Kapag gus­to mo talaga ang parti­ku­lar na bagay, ilang beses ka man mabigo na ma­kuha ito, huwag kang su­muko, kumbaga, habang nahihi­rapan ka rito, dapat mas magpursige at hu­wag kang bumitiw sa iyong pinanghahawakan. Okay?

4. STAY POSITIVE! Ang ‘rejection’ ay parte ng buhay ng tao, estud­yante o propesyunal man. Imbes na mag-drama o magmukmok, maging positibo at mag-focus ka na lang sa bagay kung ba­­kit mo ‘yan inumpi­sa­han.

5. LEARN FROM IT. Ito ang pinakaim­portan­teng bagay na da­pat mong gawin pagka­tapos mong ma-reject. Paniguradong marami kang matututunan na ma­katutulong sa pag-un­lad ng iyong sarili, make sure na gagamitin mo ito sa susunod na pagkakataon na susubok ka ulit.

Tandaan, hindi porke nakaranas ka ng rejection, eh, talunan ka na. Kara­mihan sa atin ay natatakot gumawa ng desisyon da­hil natatakot silang ma­bigo, pero mas mabuti nang mabigo kaysa mang­hinayang sa tuwing iisipin mo ito.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page