P-Digong, obvious na mas love ang mga Chinese kaysa sa mga Pinoy, period!

MAS ‘LOVE’ BA NI P-DUTERTE ANG MGA CHINESE KAYSA SA MGA PINOY? — “Ni-ho at ni-ha” ay walang narinig ang sambayanan tungkol sa insidente ng pagbangga at pambabalewala ng Chinese vessel sa bangkang-pangisda na kinalululanan ng 22 mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isyung ‘yan, parang ipinamukha na rin ni P-Duterte na mas ‘love’ niya ang mga Chinese kaysa sa mga Pinoy, boom!
◘◘◘
MAYOR NA NAGHAMON KAY P-DUTERTE NA MAGPROTESTA SA CHINA, BAKA MALAGAY SA DRUG LIST? — Hinamon ni Mayor Romulo Festin ng San Jose, Occidental Mindoro si P-Duterte na kung hindi raw kaya ng giyera ay magsalita o magbigay na lang daw ng statement ang pangulo bilang pagpapakita ng protesta sa ginawa ng China sa mga mangingisdang Pinoy.
Delikado ang panghahamon ni Mayor Festin kay P-Duterte kasi sa sobrang ‘love’ ng pangulo sa China ay baka resbakan at magulat na lang siya na nasa druglist na ang kanyang pangalan, period!
◘◘◘
NAGSISISI SI P-DUTERTE SA PAGKA-PANGULO NIYA KASI AKALA NIYA PARANG DAVAO CITY LANG ANG BUONG PILIPINAS? — Si P-Duterte mismo ang nagsabing nagsisisi na raw siya sa pagiging pangulo niya ng Pilipinas.
Maaaring inakala noon ni P-Duterte na parang Davao City lang ang buong Pilipinas kung saan sa Davao City ay walang kumukontra sa anumang uri ng pamamalakad na kanyang gawin dahil takot sa kanya ang mga taga-Davao, eh, ngayong lider na siya ng bansa ay kaliwa’t kanan ang batikos na inaabot niya sa kanyang mga polisiya at kapag nagmura siya, ginagantihan din siya ng mura ng mga militanteng grupo, boom!
◘◘◘
JINGGOY, TALO NA SA ELEKSIYON, BAKA MULI PANG MAKULONG — Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit nina ex-Sen. Jinggoy Estrada at Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles na dismissal sa kasong plunder na isinampa sa kanila.
Kung sakali, masaklap ang mangyayari kay Jinggoy kasi talunan na siya noong eleksiyon, tila makukulong pa ulit siya, tsk-tsk-tsk!





Comments