top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nakasakay sa jeep, sumasayaw at tumatawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Paksiw ng Pak­siw_Palawan@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na nakasakay daw ako sa jeep sa lugar namin.

Tapos, kasama ko raw ang mga katrabaho ko at sumasayaw kami habang tumatawa, kaya nu’ng nagising ako ay natatawa ako.

Ano ang ibig sabihin nito?

Nahihintay,

Paksiw

Sa iyo Paksiw,

Kapag nanaginip kang tumatawa dahil masaya ka, ibig sabihin, ang nanaginip sa reyalidad ay may ina­alagaang lungkot. Dahil dito, hindi niya ipinahahalata na siya ay malungkot at kapag may nagsabi sa kanya na mukhang siya ay malungkot, sure na sure, hindi niya ito aaminin.

Sa mga huling datos sa pag-aaral ng buhay ng mga Pinoy, natagpuang marami ang nagkukunwaring masaya at hindi nahihirapan kaya umaasta na akala mong hindi nakararanas ng mahirap na buhay.

Natagpuan din na ang mga Pinoy, kapag inaatake ng lungkot dahil ayaw nga nilang ipahalata, mama­masyal at gagastos kung saan kain sila nang kain.

Ayon sa mga sikolohista, kapag itinatago ng tao ang kanyang kalungkutan sa panaginip ay ma­saya siya at tawa nang tawa.

Ang layunin ng panaginip ay ang balansehin ang buhay ng tao na kapag malungkot, kailangan ang saya. Kaya kapag sobrang masaya sa reyalidad, ang pana­ginip ay kalungkutan naman.

Sobrang mahalaga rin ang mga panaginip, partiku­lar para sa iyo dahil hindi puwedeng ang tao ay nabu­bu­hay lang sa lungkot dahil maaaring maapektuhan ang kanyang buhay.

Ano ang solusyon, ayon sa iyong panaginip?

Ang nakasakay sa jeep ay nagsasabing, huwag mong hanapin sa malayo ang saya at ligaya dahil hindi mo ito matatagpuan, bagkus, ang iyong tunay na saya at ligaya ay nasa mga taong malapit lang sa iyo tulad ng mga kapitbahay mo.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page