top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

LADY VOLCANOES VS. CHINA SA ASIA RUGBY DIVISION 1

Eddie M.Paez, Jr.
Jun 15, 2019
1 min read

UMAASA ang rugby community ng bansa na magpapatuloy ang matinding momentum nito ng pagkinang sa international stage kapag sumabak ang Pilipinas simula ngayong Hunyo 19 sa semifinals ng 2019 Asia Rugby Women’s Championship Division 1.

Tatampukan ang semis ng labanang China - Singapore at India - Pilipinas. Sa pagsuong nito sa field kontra sa India, nakasandal ang Pilipinas sa mainit na suportang inaasahan nito bilang punong-abala. Bukod sa hometown support, nakaangkla rin ang Lady Volcanoes sa magandang takbo ng larangang ito ngayong taong 2019.

Kamakailan, napanatili ng mga kalalakihan ang Asia Rugby Championship Division 1 nang itodo nila ang kanilang tikas at lakas, pati pato at panabla, upang madaig ang Singapore sa iskor na 29-21 sa Taipei Municipal Stadium ng Taiwan.

Pinatunayan ng Volcanoes na hindi tsamba ang dominasyon nito kontra sa Singapore at sa pulutong ng mga kalahok sa Division 1 noong isang taon. Sa finals noong 2018, Singapore din ang ginawang tuntungan ng bansa noong finals para makuha ang 2018 diadem.

Umabot sa championship round ng 2019 ang Volcanoes, sa pangunguna nina coach Stu Woodhouse at skipper Daniel Bembo Matthews, matapos sumandal sa panalo nila sa semifinals kontra sa Sri Lanka Tuskers, 39-22. Galing sa 8-10 na pagkadehado, nakabawi ang Pilipinas para manguna sa halftime, 15-10.

Mula rito ay napanatili nila ang kalamangan hanggang sa matapos ang sagupaan. Dehado ang Pilipinas sa sagupaang nabanggit dahil sa world rankings, nasa pang-53 lang ang Pilipinas habang ang Sri Lanka ay nakaupo sa pang 44 na baytang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page