top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

IMBENTOR NG BASKETBALL KAMPEON NA SA NBA 2019!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2019
2 min read

SA wakas, bumida na ngayon ang bansang nakaimbento ng basketball noong 19th century na si Ontario man James Naismith na siyang tumuklas ng naturang laro.

Pagkaraan ng higit isang siglo na kapanganakan ng hoops mula sa hilagang bahagi ng US border ay nag­diwang ang Toronto Raptors para sa nakabig na NBA championship.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Kyle Lowry at umiskor ng 26 puntos, gayundin si Fred VanVleet na may 22 kasunod ng clutch baskets sa huling bahagi ng laro, nang tuluyang putulin ng Raptors ang paghahari ng Golden State Warriors, 114-110 kahapon at agawin ang trono ng defending champion at hamigin ang Larry O’Brien trophy sa kauna-unahang pagkakataon mula sa 24 na taon na paghihintay. Mainit ang mga kamay ni Lowry at umigkas si VanVleet sa 4th quarter ng Game 6 upang wakasan ang masaklap na pagkatalo noong Game 5.

Binuhay muli ng Toron­to ang sigla ng basketball game sa bansa kung saan, dating hockey town ang pinakapaboritong laro. Nakaambag agad si Lowry ng 15 sa 1st quarter habang si VanVleet ang nagligtas ng 12 puntos sa 4th canto at sinamantala ang leg injury na natamo ni Klay Thompson sa 3rd quarter.

Nakagawa si Kawhi Leonard ng 22 pun­tos at makasaysayang dala­wang free throws sa dulo ng laro na sumelyo para sa titu­lo. Kinulang ang 30 puntos na pamamayani ni Thompson sa Warriors, maging ang 22 puntos ni Andre Iguodala, may 21 puntos si Steph Curry at tanging 6 lang sa 17 tangka ang nai-swak.

Nakapagtala si Dray­mond Green ng ikalawang straight triple double na may 11 puntos, 19 rebounds at 13 assists. Nagpamalas pa rin ng kagitingan ang Warriors sa huling bahagi ng laro sa Oracle Arena nang wala si Kevin Durant, na dumanas naman ng right Achilles tendon sa Game 5 at sa final 14:22 nang wala si Thompson. Tatlong beses na puma­tas ang iskor sa 4th quarter bago pa nakapagsalpak si VanVleet ng ikalimang tres puntos ng laro para sa 104-101 na kalamangan ng Raptors. May halos 6 puntos ang kalamangan ng Toronto bago pa nakapagsalpak si Dray­mond Green ng tres at kalahatiin ang iskor na naiwan para humabol ang Warriors, 111-110, sa nalala­bing 18.5 segundo. Si Leo­nard, na itinanghal na Finals MVP at pakay maging free agency nitong summer. Aniya sa postgame, “I’m going to enjoy this with my teammates and coaches, and I’ll think about that later.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page