top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ginang binaril sa ulo, utas

Levi Gonzales
Jun 15, 2019
1 min read

ISANG tama ng bala sa ulo ang agad na ikinasawi ng isang ginang matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Dalahican Rd., Purok Atis, Bgy. Mayao Crossing, Lucena City, Quezon. Sa pagsisiyasat ng imbestigador, pasado alas-6:00 ng gabi, angkas ng motor ang biktimang si Regina Orbes, 41, empleyado ng Provincial Government, biyuda, ng Bgy. Cotta, nang um-overtake sa kanila ang isang motorsiklo.

Mabilis siyang binaril ng isang beses sa ulo saka tumakas ang mga salarin patungo sa Bgy. Dalahican.

Blangko pa ang imbestigador sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page