EX-PBA HELTERBRAND AT CRUZ, NAMAYANI SA IMUS AT PAMPANGA
- MC / Alvin Olivar
- Jun 15, 2019
- 1 min read

PINANGUNAHAN nina dating PBA MVP Jayjay Helterbrand at Mark Cruz na ngayon ay players na ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), ang kanilang tropa noong Huwebes ng gabi at itala ang kani-kanilang panalo sa 3rd season ng pinakamabillis na lumagong regional amateur basketball league.
Muling naglaro si Helterbrand at natulungan ang Imus Bandera sa 78-75 na panalo kontra Caloocan Supremos. Dating PBA MVP, solidong 14 puntos ang nagawa ni Helterbrand, 8 rebounds at 8 assists. “I never had much time practicing with the team and I don’t know the system yet,” saad ni Helterbrand. “It’s a long season, but I really need to get back in basketball shape.” Tumapos si James Martinez ng 26 puntos. Ito ang kanyang ikalawang pinakamaraming tres puntos sa liga matapos na makahabol si Val Acuna ng Batangas City Athletics ng walo sa inaugural Rajah Cup.
Impresibo rin ang panalo ng Pampanga, 94-85 kontra General Santos City. Si Cruz, na pinakamaliit sa liga na 5-foot-6, ang namayani para sa Giant Lanterns nang makagawa ng triple-double performance na 16 points, 12 assists at 11 rebounds at pangunahan ang revamped squad na pagmamay-ari ni Dong Gonzales at coach na si dating PBA mentor Bong Ramos. Nakasalo ng Pampanga at Imus ang opening day winners na Davao Occidental at Basilan sa win column.
Namuno si Michael Juico, isa pang ex-pro, para sa Giant Lanterns na may 21 marka, habang si Fil-Am Travis Thompson at Levi Hernandez ay may tig-11 puntos kasunod ng pagsandig ng Pampanga sa explosive performance nina Fil-foreign standout Mike Williams ng Gen San Warriors.





Comments