top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

DOLE at kapwa mga artista, tameme sa sinapit ni Eddie Garcia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15, 2019
  • 1 min read

MALAKAS daw ang ebidensiya laban kay Jinggoy.

Talo na, natalo pa!

◘◘◘

NASILAT ng Raptors ang NBA defending champion na Warriors.

Talagang bilog ang bola!

◘◘◘

NA-HIT-AND-RUN ng Chinese vessel ang bangkang-pangisda ng mga Pinoy sa WPS, mabuti na lang at sinaklolohan sila ng mga Vietcong.

Kumbaga, binunggo ng “foreign bus” ang “traysikel”, pero sinaklolohan ng mga tambay na dayuhan!

◘◘◘

HANDA na ang Mislatel bilang ikatlong telco.

Puwede na silang “bilhin” ng dala­wang naunang telco!

◘◘◘

TAMEME ang DOLE sa “masamang sinapit” ng aktor na si Eddie "Manoy" Garcia.

Pinagtrabaho ang senior citizen sa “mapanganib na lugar na walang medical facility”!

◘◘◘

BAKIT hindi nagsasalita ang kapwa artista sa “masamang trato” ng mga producer?

Bakit walang nakikipaglaban sa “interes” ng maalamat na aktor?

◘◘◘

MAGING ang gobyerno ay hindi nagsasalita sa “masamang pangangasiwa” ng kanyang mga employer.

Bakit?

◘◘◘

KUNG ang beterano at maalamat na aktor ay hindi naipagtatanggol at natutulungan, paano pa ang mga “bit player” o maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikula?

Masama ang labor situation sa showbiz.

Isang maruming sektor ang “puting- tabing”!

◘◘◘

HINDI rin nagsasalita ang actor-komenyante-pulitiko na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa sinapit ng kapwa aktor.

Paano niya matutulungan ang ibang sektor kung ang kanyang “pinagmulang larangan” ay bulok ang sistema?

◘◘◘

WALA bang congressional hearing kaugnay sa aksidente at kapabayaan na naranasan ni "Manoy"?

Sakaling bawian ng buhay si "Manoy"—isang klase ito ng “homicide” at reckless imprudence.

Walang nagsusulong ng hustisya para kay Eddie Garcia?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page