Aktor, BFF daw… KALAT NA: ALDEN, GINASTUSAN ANG JAPAN AT KOREA TRIP NG MADIR NI DERRICK


NAKAUSAP ni yours truly via cellphone ang mommy dearest ni Derrick Monasterio na kararating lang buhat sa ilang araw na vacay sa Japan at Korea kasama ang isang kapatid na babae ng Kapuso actor.
May nagtsika kasi kay yours truly na best of friends daw ngayon sina Derrick at Alden Richards.
“Naku, magkaaway nga ang dalawang ‘yan. Nu’ng na-link romantically si Derrick kay Maine Mendoza, eh,” esplika ni Tina na dati ring ta-artits bago pa niya isinilang si Derrick.
“Eh, bakit ang tsika, si Alden daw ang gumastos sa vacay n’yo sa Japan at Korea just recently?” pang-uurirat namin kay Tina.
“Naku, ‘noh! Halos maubos na nga ang pera ko sa credit card na ginamit ko papunta ru’n at pauwi rito, ‘noh! Ano’ng si Alden ang gumastos? Fake news ‘yan, ha?” tsika pa ni Natins, as in Tina.
“Ka-live-in pa ba ni Derrick ‘yung beauty queen na Ms. Manila 2018?” tanong pa namin sa dating aktres.
Sagot nito, hindi na raw. Break na raw ang dalawa. Yes, Maine Mendoza!
Pero as of this writing ay may kasama na namang beauty queen si Derrick sa isang photo nila na kuha sa Mega Equality Ball.
Ang beauty queen ay walang iba kundi si Catriona Gray at ipinost pa niya ito sa kanyang socmed account with matching caption na… “Was great meeting you @Catriona_Gray.”
Well, not bad kung si Derrick ang ipapalit ni Catriona sa ex-BF niyang foreigner na ta-artits na rin ng GMA Network na si Clint Bondad. Tutal, may foreign blood din naman si Derrick at pareho silang belong sa Kapuso Network ni Clint, in pernes.
‘Niwey, versatile performer si Derrick Monasterio dahil this time, sasabak naman siya sa mundo ng teatro. Gaganap siya bilang Tolits sa Season 7 ng Rak of Aegis na magsisimula sa July 19 sa PETA Theatre.
Bukod sa pag-arte sa TV, ipakikita rin ni Derrick ang husay niya sa larangan ng pagtatanghal.
Makakasama niya sa musical ang mga kapwa Kapuso artists na sina Aicelle Santos at Joshua Bulot ng grupong JBK.
Kuwento niya, “I really love singing, so noong nakita ko ‘yung chance na ‘to, nag-audition talaga ako.”
We can’t wait to watch your performance, Derrick! Congratulations! At panoorin ka rin sana ni Catriona Gray sa una mong pagsabak sa teatro. ‘Yun na!





Comments