top of page
Pokwang.jpg

7 KABAYO SA 2ND LEG TRIPLE CROWN

Ding Taboy
Jun 15, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

PITONG kabayo ang lalahok sa 2019 Philracom 2nd Leg Triple Crown Stakes Race na gaganapin sa Hunyo 23 sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.

Ayon sa Philippine Racing Commission (Philracom), pitong mananakbo ang kalahok sa 2nd Leg Triple Crown sa pangunguna ng 1st Leg champion na Real Gold, Best Regards, Boss Emong, Jayz, Phenomenal, Shanghai Noon at Toy For The Bigboy.

May nakalaang papremyong P3-milyon na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P1.8-M ang mananalo sa nasabing karera, habang ang P675,000 ay mapupunta sa 2nd place, P375,000 sa 3rd place, tatanggap naman ng P150,000 ang 4th place.

Habang sampung kalahok ang maglalaban sa 2019 Philracom “Hopeful Stakes Race”.

Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Harapin Ang Bukas, JLO, Mood Swing, My Jopay, Serafina, Skyscraper, Suberbia, The Accountant, Two Timer at Viscerion.

May nakalaang P600,000 para sa tatanghaling kampeon ng Hopeful, P225,000 sa 2nd place at mapupunta sa 3rd place ang P125,000 at P50,000 sa 4th place.

Samantala, balikatan ang magaganap na laban sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Sa panimula ng Winner Take All (WTA) sa Race 1, nakalalamang ang Good Voyage, habang magsisilbing kalaban ang kalahok na King Gil, Pronto at Miss Marshall.

Sa Race 2, ipinapatok ang Cost Less habang magsisilbing katunggali ang couple entry na Above The Knee, Face Value, Isang Kahig Isang Tuka at Couple Entry na Ok Mister Bond at Rio de Janiero, na umpisa ng Pick 6.

Sa panimula ng Pick 5 sa Race 3, magkakalaban ang tatlong kalahok na The Catalyst, Couple entry na San Rafael at Boni Avenue, Jebel Ali at Corazon. Nakalalamang ang Watermania at makakalaban ang Fighter In the Wind at Single Flower sa Race 4, na umpisa ng Pick 4.

Sa Race 5, ipinapatok ang Princess Glory habang makakalaban ang Storm Goddess at She Can Dance habang sa Race 6, nakalalamang ang couple entry na Spring Away at Indelible Quaker habang magsisilbing kalaban ang Case Bell, Et Al at couple entry na Humuhumunukunuku. Magsisilbing parating ang Spunk Attack at Highway Hills sa Race 7.

Tip ni Mang Ding: Race 1- Good Voyage (9) King Gil (13) Pronto (11) Race 2- Cost Less (6) Entry No.1 Race 3- The catalyst (2) Entry No.6 Jebel Ali (5) Race 4- Watermania (9) Fighter in the Wind (2) Race 5- Princess Glory (1) Storm Goddess (6) Race 6- Entry No.1 Case Bell (5) Race 7- Spunk Attack (6) Highway Hill (4)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page