4 bomba natagpuan sa construction site
- Jeff Tumbado
- Jun 15, 2019
- 1 min read

APAT na piraso ng vintage bombs ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal.
Dagliang kinordon ng rumespondeng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office-Bomb Disposal Unit (RPPO-BDU) ang lugar sa Sitio Wawa, Bgy. San Rafael at pinalayo ang mga residente na malapit sa kinakitaan ng mga bomba dahil sa posibleng sumabog pa ang mga ito.
Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, isang tawag sa telepono mula sa barangay ang kanilang natanggap kaugnay sa pagkakatagpo sa mga bomba nitong Biyernes ng umaga.
Sinasabing nahukay sa isang construction site ang apat na vintage bombs na posible pa umanong sumambulat.
Nasa pangangalaga na ng RPPO-BDU ang narekober na mga bomba.





Comments