top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa loob ng 11 buwan, 250 batas ang naipasa | Ex-P-GMA, tunay na may ‘K’ na House Speaker

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 3 min read

ANG dilawan na kampo ng mga Aquino, Lopez, Osmeña at ang mga alipores nila noong nakaraang administrasyon ay walang awang tinugis si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sinampahan ng mga walang base­hang kaso kaya nakulong siya ng limang taon.

Isipin ninyo, may utos ang Korte Suprema noong 2011 na payagan siyang pumunta sa abroad para magpagamot, pero binalewala ito ni dating Justice Secretary Leila de Lima kaya hindi siya pinayagang bumiyahe.

Kaugnay nito, dahil dilawan ang malalaking media tulad ng Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN, naloko nila ang maraming tao na masama raw si ex-P-GMA.

Eh, ngayon, anong nangyari? Wala na sa po­der ang dilawan at ang lahat ng kaso ni ex-P-GMA ay na-dismissed na. Hinirang si­yang Speaker ng House of Representatives noong Hulyo at bilib na bilib ang mga repre­sentante sa kanyang pamumuno.

Isipin ninyo, sa loob lang ng halos 11 buwan ay naipasa ng Kamara sa pumumuno ni ex-P-GMA ang 250 batas?

Ang mga batas na ito ay malaking tulong sa taumbayan na iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng batas para sa libreng matrikula sa kolehiyo at libreng pampaospital, pagwawakas sa “endo” at reporma sa tax na nagpababa ng income tax ng maraming mang­gagawang Pilipino.

Magaling na lider ng bansa si Pangulong Duterte, pero kinailangan pa niya ng mga batas para maisagawa ang kanyang mga reporma.

Sa pamumuno ni ex-P-GMA, naging batas ang maraming hinihiling ng pangulo.

Paano nagawa ni ex-P-GMA na maipasa ang mga batas kahit ang mga kaaway niya ay ti­natanggap na napakasipag at talagang tutok sa kanyang mga gawain si ex-P-GMA?

Sabi ni Representante Fredenil Castro ng Capiz, “naging masipag ang lahat ng mga kongresman at kawani nito dahil kay ex-P-GMA. Istrikto ito, pero napakasipag at ma­galing ang trato nito sa lahat.”

Naging matagumpay si ex-P-GMA nitong nakaraang taon lamang at ang mga kasinunga­lingan laban sa kanya ng dilawan ay buking na buking. Ano naman ang nangyari sa dilawan?

Lumabas ang kanilang mga kabahuan, nagalit ang mayoryang Pinoy kay ex-P-Noy dahil sa napakarami nitong kapalpakan tulad ng pagkamatay ng SAF 44, isyu ng Dengvaxia at ang pinakamalaking krimen, ang pagpapa­baya ng pagpapalaganap ng iligal na droga sa bansa.

Ultimong MRT-3 ay pinakialaman ng dila­wan para makakurakot kung saan hindi naging maganda ang lagay kaya bumagal ang takbo at nabawasan ang bilang nito.

Sa politika, ibinasura ng taumbayan ang dilawang mga kandidato noong katatapos lang na eleksiyon.

Gumastos daw ng mahigit P1 bilyon si Mar Roxas, pero ang ending ay natalo pa rin. Ha­bang sina Bam Aquino at Sergio Osmeña na­man na miyembro ng pinakamayamang dila­wan, ligwak din!

Kahit isang kandidato ng dilawan, kahit binago nila ang pangalan at tinawag na Otso Di­retso, diretso lang sa basurahan ng politika.

Kahit ang dilawang pahayagan na Philip­pine Daily Inquirer na grabe ang pagturing at pag-alipusta kay ex-P-GMA ay nakarma.

Nadiskubreng hindi dapat hawak ng mga may-ari ng Inquirer ang Mile-Long commercial district sa Makati kaya tinanggal na ang kani­lang pinagkakitaan.

Humina ang sirkulasyon at advertising dito dahil ayaw ng mga tao ang estilong pamama­hayag nila na “dilawan”.

Samantala, si Sen. Leila de Lima na berdugo ni ex-P-GMA ay nabubulok sa kulungan. Palakas nang palakas ang testimonyang tumanggap siya ng milyones sa mga drug lord.

Isipin ninyo, ultimong drayber niya na na­ging boyfriend daw niya ay tumestigo na siya ang kumukuha ng regular na kotong mula sa mga drug lord para ibigay kay Sen. De Lima?

Totoong bilog ang mundo, hindi naman pa­lagi, pero madalas, ang katotohanan ay nana­nalo sa kasinungalingan at ang mabuti ay nag­tatagumpay laban sa kasamaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page