Partylist, ginagamit lang ng mga milyunaryo — Duterte

BINANATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga milyunaryo na ginagamit lamang umano ang partylist para makakuha ng puwesto sa House of Representatives, gayung ang layunin nito ay irepresenta ang marginalized sectors.
Hindi naman tinukoy ng pangulo kung sino ang pinatatamaan nito.
Tinawag din ni P-Duterte na demonyo ang sistema ng partylist sa bansa dahil pawang mayayaman ang nais maupo sa posisyon.
“This partylist that’s one evil. Everyone involved there are the rich,” ani Duterte sa mga bagong nanalong opisyal sa Cagayan de Oro City.
Giit ng pangulo, karaniwang isinusunod ang mga pangalan ng partido para sa mga manggagawa ngunit, ang nasa likod nito ay pawang mga milyunaryo na nagpopondo para sa grupo upang manatili sa kanilang kapangyarihan.
“The rich people fund the partylists. They are named after laborers but the people behind it are the millionaires. So, they stay in power there,” diin ni P-Duterte.
Sa kasalukuyan, nanatili sa pinakamayaman sa Kamara ang negosyanteng si 1-Pacman Partylist Rep. Michael Romero na may P7.858 bilyong networth.
Matatandaang, unang inimplementa ang partylist system sa bansa noong 1998 Presidential Elections.





Comments