OCA APRUB NA ANG POC VEHICLE, P100-K SA ATLETA


INANUNSIYO ni Philippine Olympic Committee secretary-general Patrick Gregorio kahapon na inaprubahan na ng Olympic Council of Asia (OCA) ang paglalabas ng P1.5 million para sa pagbili ng mga opisyal na sasakyan ng POC. Kaugnay nito, sumang-ayon ang Toyota Motor Philippines na ikober ang halaga ng balanse para sa 29 seater na Toyota Coaster na may halagang P3.453M.
“This is part of our marketing efforts per instruction of POC president Ricky Vargas. Our marching orders were to source P100-M in sponsorships and we are already at 90% of that goal after only a little over a year. We are confident that we will hit the target by end of 2019”, saad ni Gregorio.
Kamakailan lang ay naupo si Vargas bilang head ng POC, kabuuang P76M ang napunta sa POC coffers mula sa San Miguel Corporation (P50-M), MVP Sports Foundation (P20-M) at Philippine Basketball Association (P6-M).
Nangako rin ang Summit Water at Milo ng kanilang patuloy na suporta mula sa sponsorships na P1-M at P1.225-M.Sinabi naman ni Alfrancis Chua, San Miguel Corporation sports director na, “We have a lot of respect for Mr. Vargas who is also our chairman in the PBA.
Ang Max’s Group Inc. (MGI) ay nangako rin ng P10.5-M sponsorship para sa mga atleta na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics, kung saan ang halaga ay hindi lamang para sa mga atleta, pero para rin sa kanilang pamilya. Lahat ng NSA’s na may atletang sasabak sa SEAG ay tatanggap ng P100K bawat isa mula sa POC bilang tulong para sa gastusin sa training. (ATD/MC)





Comments