top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung maaaring maging foster parent ng kanyang pamangkin kahit limang taon lang ang kanilang agwat

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung maa­ari ba akong maging foster parent ng aking pamangkin kahit na limang taon lamang ang aming agwat sa edad? — Iris

Dear Iris,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Rule 6 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 10165 o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012 kung saan nakasaad na:

“RULE 6. Who May Be a Foster Parent. – To qualify as a Foster Parent, an applicant must meet all of the following:

(a) x x x;

(b) Must be at least sixteen (16) years older than the Foster Child unless the applicant is a relative of the Foster Child;” (Binigyang-diin)

Samakatwid, ang foster parent ay dapat mayroong labing-anim (16) na taong agwat sa kanyang foster child. Subalit, ang panun­tunang ito ay maaaring hindi masunod kung magkamag-anak ang foster parent at kan­yang foster child.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayro­ong karagdagang impor­masyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page