Kaya raw inuna sa dagdag-sahod kesa guro | SUNDALO‘T PULIS, HANDANG MAMATAY — DIGONG

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy ang kanyang pangako na salary increase ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Sinabi ito ng pangulo sa kanyang pagdalo sa panunumpa ng mga nanalong kandidatong lokal ng Cagayan de Oro na ginanap sa Xavier Estates, Upper Carmen sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Gayunman, posible aniyang matagalan nang kaunti bago ito maipatupad.
Ginagawan pa umano ng paraan ng gobyerno ang umento sa sahod ng mga guro dahil dapat ikonsidera ang milyun-milyong bilang ng mga ito.
“You know military, the armed forces and the police, they retire at the age of 56. If they marry at the age of 30, they still have to send their children to high school if not college,” sabi ni P-Duterte.
“Now I have doubled their salaries. I prioritized them. Next would be the teachers. We’re working on it — like what I have promised. But remember that there are millions of teachers,” ayon pa sa pangulo.
Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na hindi hamak na mas kaunti ang bilang ng mga pulis at sundalo kaya dinoble ang kanilang sahod.
Ipinaliwanag niya na kaya lamang inuna ang salary increase ng mga sundalo at pulis dahil sa kahandaan ng mga itong isakripisyo ang kanilang buhay para sa bansa.





Comments