top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Indonesian, tiklo sa droga sa NAIA

June Simon
Jun 14, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang Indonesian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 makaraang madiskubre sa kanyang bagahe ang 1.6 kilo ng cocaine noong Miyerkules ng gabi.

Hindi na nagawang itanggi ni Agus Burhan, 62, ang mga nasamsam na cocaine na nagkakahalagang P8.7 milyon nang mahuli siyang dinadampot ang kanyang bagahe sa baggage carousel.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Agent Jerald Javier, kasalukuyan silang nagsasagawa ng random inspection sa arrival area sa mga bagahe ng pasahero na galing sa ibang bansa nang upuan ng mga aso ang bagahe ng nasabing dayuhan.

Nabatid kay Javier na lumipad patungong Lima, Peru si Burhan para sa cocaine.

Pagbalik mula South America, mayroon itong stopover sa Madrid, Spain at Doha, Qatar.

Pagdating sa Maynila, pinigil ng mga miyembro ng NAIA InterAgency Drug Interdiction Task Force si Burhan nang matuklasan ang droga habang nagsasagawa ng regular random inspection task group sa mga bagahe.

Dagdag pa ni Javier, idinaan pa rin sa x-ray scanning machine ng Bureau of Customs ang bagahe ni Burhan para matiyak na may laman itong droga.

Ang alibi ng pasahero, habang iniimbestigahan ay ipinakiusap lamang sa kanya na dalhin ang bagahe na may mga lamang regalo patungong Pilipinas.

Nakatakdang sampahan si Burhan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page